Archive | March, 2007

tsimeniya

29 Mar

nasobrahan yata ako sa yosi nung bday ni gng. cabron.. i literally smoked like a chimney’ imagine sa three hours namin na paginom ng tatay ko at ng isang tiyuhin ko’
naka isat kalahating kaha ako ng marlboro lights’ grabe’ kaya iyon pagkagising ko namamaga tonsil ko and yung kanang wall sa bibig ko maga din.. potah pano ko kakain nito’
the other day nilalagnat nako’ potek’ di pa naman ako pwedeng umabsent.. kaya kahit giniginaw at nanghihina pasok pa rin ako’ dami pa naman tawag sa opisina..
tapos pag uwi ko nung isang araw ang ulam.. isda tsaka talong na isinasawsaw sa alamang.. sus eh bawal nga ako sa malansa.. yung binilinan ko naman magluto ng lumpia kinalimutan pa.. paksyet talaga oh!
kaya no choice’ ako nalang nagluto.. natalsikan naman ako ng mantika sa dibdib.. hanggang ngayon masakit.. tangina my self worth is so down today.. mamatay ang lalapit at magbibiro.. a icepickin ko ang maguutos ng personal na utos na wala sa trabaho ko.. wag nyo ko subukan.. pag ganitong pakiramdam ko nabubulok na unti unti ang katawan ko ang haharang sa dinadaanan ko isasama ko sa hukay.. bwahahahah’

at your service

28 Mar

   pagkalabas ko ng opisina at pagdating sa bahay ng mga eleven or twelve ng gabi.. ihanda mo yung isang mp3 player ng kasamahan mo at yung ipod na lalagyan ko ng mga kanta.. tapos habang ginagawa ko yun magbburn ako ng doseng cd na pinapagawa ng pinsan ko.. habang yung paa ko inaayos yung laptop ng nanay ko.. tapos pag kaya pa’ baka pumunta din ako kila ate merlie para ayusin yung pc nila na ayaw daw magboot.. tapos ng mga yan tsaka pa lang ako magbibihis ng pambahay at kakain ng hapunan.. yun eh kung hindi pa ko inaantok… mga letche!

smart

28 Mar

  di naapprove yung application ko sa smart.. di daw pwede yung probi pa lang.. pinaliwanag ko na na ilang weeks na lang mareregular na ko.. tinatapos lang yung 6 months probation (according sa bisor ko) di daw talaga pwede.. sabi ko sana nun pa lang nagapply ako sinabihan na ko para hindi sayang yung panahon ko.. tsaka nakita naman nila dun sa sweldo ko na capable ako magbayad ah’ tangenang rules rules na yan..
  medyo napurnada yung unang hakbang ng mission ko.. pero meron pa naman akong magagawa.. hindi pwedeng pabagalin ako ng smart na yan.. tangena nila’

ang ina ko

27 Mar

   bertdey ng babaing nagsilang kay jon cabron
 babaeng sinabihan ako dati na sana di na lang daw ako nabuhay..
 yung babaeng pinapatulo yung luha ko kakasapak sakin nung mga araw na tinuturuan nya pa ko magsulat..
 yung babaeng pumalo sa tagiliran ko ng lata ng air freshner nung minura ko sya nung sinundo nya ko sa tambayan..
 happy birthday ma.. daming downtime nung pagiging mag ina natin pero atleast ngayon mag ina pa rin tayo..
 mahal ko to sobra kse bata pa ko nanay ko na to eh’

mission starfish

23 Mar

  kakapasa ko lang ng application sa smart para sa postpaid.. yun yung first move ko para sa pinaplanong mission.. sana mabilis lang maprocess’ para makamove na ko sa
square 2.. malakihang misyon to kaya sobrang confidential.. hindi madaling burahin lahat ng tracks papunta sayo.. its like burning all those clothes na isinuot mo mula three years ago.. its like changing your surname sa idad na eighty plus.. basta mahirap iexplain.. mahirap intindihin at ayoko din naman na maintindihan nyo..
  basta meron pa kong exactly one week to complete my make or break mission..

bakit mission starfish?!
.. if i tell you then i have to kill you’

obscene?!

20 Mar

obs  ewan ko ha’ bastos ba talagang tignan na magkasama tong
dalawang to or is it just me?!
.. o talagang sobrang boring sa opisina pag alas nuwebe na ng gabi at apat na oras ka ng walang kausap..

mamang kundoktor

19 Mar

kundsmamang kundoktor na di naka uniporme,
   simple lang po ‘ ang isang kahang marlboro lights ay nagkakahalaga ng 35 hanggang 40 pesos, ang isang bente oras na internet card eh isangdaang piso ang halaga..
terti payb pesos ang isang wanport na sinigwelas.. sampung piso ang softdrinks.. sampu din ang tsitsirya.. ang gatorade bente singko hanggang trenta pesos.. bigyan mo ang bata ng limampiso ngayon..
nakasimangot pa’  .. ang pinupunto ko simple lang’
  matagal na pong barya ang ISANDAANG PISO sa pilipinas.. kaya pagsinabi mo sa pasahero na ” barya barya lang.. wala pang panukli ” at naglabas ang paseherong tulad ko ng isandaang piso.. wag ka na umiling at pumalatak.. well not unless galing ka ng ibang bansa’ turista ka sa pinas at naisipan mo lang magkundoktor just for kicks.. kaya di mo alam yun..

meyor

18 Mar

  ilang panahon na lang daw maisasakatuparan na yung ambisyon ni meyor na gawing DRUG FREE ang muntinlupa.. kaya iboto daw yung asawa nya para pumalit sa kanya ng sa ganun maituloy yung ambisyon na yun.. ang masasabi ko lang.. in your dreams meyor!
taragis na yan yung trapik nga lang sa alabang di mo masolusyunan na kung tutuusin one click lang magbabago na sistema ng daloy ng sasakyan dun’ yun pa kayang susugpuin mo ang kung ilang daang tulak at ilang libong durugista ng muntinlupa.. 
   makakapag tayo ka ng drinking fountain sa gitna ng disyerto gamit ang isang kahon ng posporo at mga papel de hapon pero hindi mo magagawang drug free ang muntinlupa.. ambisyoso!

.. of showcaps and scandals

15 Mar

  dami nanamang bagong scandals na lumalabas’ pabata ng pabata.. padelikado ng padelikado’ meron pa kong nakita na may title na kwarto o kwatro obvious na estudyante and prof sexcapades.. medyo disturbing kse parang hindi yata alam nung babae na may camera na kumukuha sa pinaggagawa nila’ tsk!
  kawawa yung iba na nagtiwala sa mga pseudo boyfriends nila.. masyadong naging gullible’ napapayag gumawa ng amateur porn clips’ nagpramis naman daw kse si boyprend na hindi naman ikakalat eh.. souvenir lang daw’ .. for personal use only’ di nya alam pag nalalasing si lalaki pinagyayabang sa mga tropa nya yung video nila.. ilang panahon lang talk of the town na yung video nila’ .. kawawa naman si babae’
  yung isa naman hindi makakalas kay lalaki kse tinatakot na ikakalat yung video nila pag ginawa nya yun’ .. di sya makakakalas at hindi rin makatanggi sa gustong ipagawa ni lalaki.. kaya yung video nila na hawak nung lalaki.. dumami na ng dumami’
   yung isa naman parehong estudyante.. parehong mapusok’ naisipan gumawa ng ganun.. nagsawa.. nakaisip gumawa ng kakaiba para daw mabago naman yung trip nila.. ginamit ni lalaki yung fone nya’.. pagkalipas ng ilang araw’ nawala yung fone.. nalaglag o nadukot.. walang isang linggo sikat na silang dalawa sa internet.. sino sisisihin?!
  yung isang babae naman.. walang magawa sa buhay’ gumamit ng webcam.. todo posing sa harap ng camera.. pati mukha pinakita’ walang dahilan.. gusto nya lang ng pakiramdam na pinagkakaguluhan sya ng mga lalaki sa chatroom.. gusto nya lang enjoyin yung minute of fame nya.. yun nga lang hindi lang minuto sya sisikat dahil ang hindi nya alam nakarecord yung mga pinaggagawa nya.. yung minutong kasikatan na inenjoy nya halos buong buhay nya magbabago pagkatapos kumalat yung pinaggagawa nya’
   kung tutuusin worst sa akin yung mga babaeng nagsshow sa webcam sa mga public chatrooms.. yung magshow ka sa boyfriend mo’ one on one medyo okei pa yun’ pero yung sa public chatroom.. anong intensyon mo nun?! yung scandal sa celfone.. pwedeng may kasama kseng “love” kse boyfriend mo naman kasama mo nun.. pwede rin na yung iba tulad nung mga unang naikwento ko’ under pressured lang kse babagsak daw sa klase o kaya naman bina blackmail ni ex boyfriend..
 pero yung magshow ka sa webcam.. sa public chatroom’ di ko makuha yung intensyon nun’ uulitin ko hindi ako chauvinista pero katangahang maliwanag yun para sa kin.. not unless may maibibigay kang matinong reason para gawin yun’
 merong website akong alam na nagpi feature ng mga webcam caps at showgirls clips’ hindi makuha nung ibang tao yung isang positibong punto nung site.. kabastusan daw’ kababuyan’ pananamantala’ pero come to think of it.. ang isang bagay nagiging bastos lang depende sa utak ng tumitingin’ ang di nakikita ng iba yung punto ng site na manakot ng mga gumagawa ng mga ganun para maipakita yung mga consequences na pwedeng mangyari.. punto para sa mga magulang na  konting bantay sa mga anak nila.. 
  walang dudang kawawa yung mga babaeng bida sa mga clips sa internet at mga bisidi sa kalye.. sobrang malaking epekto sa buhay nila yun.. biktima daw sila kaya dapat respetuhin.. ang tanong pano ka rerespetuhin kung di mo nirerespeto sarili mo.. sa inyo muna dapat magsimula ang respeto’ at ang isa pang tanong.. biktima nino?! biktima ng ano?! ang sagot dyan.. biktima ng sariling katangahan’ wag mong hayaang manipulahin ka ng kahit na sino’ pag ayaw mo ayaw mo.. ikaw ang hari ng sarili mo’

sa lahat ng mga mahal ko sa buhay.. konting ingat’
ayokong mangyari satin yung mga bagay na yan’
konting alerto.. bente kuwatro’

bestman

12 Mar

  nakasakay mo raw nanay ko’ sabi mo raw ikakasal ka na sa december.. ako raw kukunin mong best man.. actually pangalawang beses ko na natatanggap yang balitang yan.. i am so honored to be your best man pare’ hindi basta basta makuhang bestman sa kasal.. pangalawa ko na to pag nagkataon’ yung ninong sa kasal o sa binyag sobrang honor na.. pano pa kaya yung bestman’ isa lang ang bestman marami ang ninong at ninang.. salamat!
   at dahil kukunin mo kong bestman automatic yun na burado na lahat ng sama ng loob, galit at pagkasuklam ko sayo! kasama na ring nabura nun ang sakit ng insultuhin ka ng isang taong mula pa pagkabata tinuring mo ng kapatid.. malupit pa sa kapatid’
isang taon pare’ isang taon na halos hindi na tayo nagkikita considering na sobrang magkapitbahay lang tayo.. walang komunikasyon.. isa o tatlong beses tayong nagkasalubong sa kalsada sinadya pa nating dalawa na sa kanan ang tingin mo sa kaliwa naman ang mata ko.. tagal na rin noh?! pero di uubra ang  ”out of sight, out of mind”
sa akin’ pinsan.. hindi kayang higupin ng isang taon yung ilang minutong 
for the kill na dayalogo mo.. 
   paghahandaan ko ng matindihan yang kasal mo pinsan.. sisiguraduhin kong habang nagpapakasaya kayo sa simbahan.. sa kahit na saang simbahan.. andun ako sa opisina.. masayang nakikipagkwentuhan sa mga kaopisina ko.. sa mga hindi ko naman kaanu ano pero hindi ako gagaguhin tulad ng ginawa mo.. at oo pwede rin na maginom ako paguwian na.. kasama ng mga tropa kong totoo’
ako bestman mo?! sure i can do that.. but i wont’
and sa huli i have 3 words for you pinsan..
DREAM ON.. FUCKER!

>